Bigo ang United States at China na magkaroon ng agreement patungkol sa trade talks na isinagawa ng dalawang bansa ngayong linggo.
Hindi umano nauwi sa maayos na kasunduan ang pagbisita ni Chinese Vice Premier Liu He sa Washington at sa kasiwam-palad ay natuloy pa rin ang ipinataw ni US Preisdent Donald Trump na pagtaas ng taripa sa mga Chinese goods sa bansa tulad ng karne, isda, itlog, gulay, prutas, cereals, harina, oil seeds at pati na rin mga health and safety products.
Ngunit sa kabila nito ay sinigurado naman ni Trump na maganda pa rin ang pagkakaibigan nila ni Chinese President Xi Jinping at magpapatuloy ang trade talks sa hinaharap.
Ayon kay Liu He, sa tingin nito ay hindi pa handa ang dalawang bansa na magkaroon ng maayos na kasunduan patungkol sa kalakalan ng kanilang mga produkto at may posibilidad daw na gawin ang mga susunod na pagpupulong sa Beijing.
Umaasa naman ito na hindi na muli pang tataas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Nagkasundo umano ang dalawang panig na magkaroon ng “memorandum of understanding” upang maging basehan ng deal sa pagitan nina Trump at Xi Jinping.
Sa isang press conference naman na ginanap sa White House, inihayag ni Trump na kinokonsidsera nito na hayaang makisali ang Democrats sa usapin.
“Any deal I make toward the end I’m going to bring Schumer — atleast offer him — and Pelosi. I’m going to say please join me on the deal,” ani Trump, kung saan tinutukoy niya si Senate minority leader Chuck Schumer at House Speaker Nancy Pelosi.