Pinag-iisipan ngayon ng China kung patutuluyin nitong ipadala sa Washington ang ilan sa kanilang trade negotiators ngayong linggo matapos ang pananakot ni US President Donald Trump na tataasan nito ang ang taripa sa mga produkto ng China.
Ang desisyong ito ni Trump ay bunsod na rin daw ng mabagal na pag-usad ng trade talks ng dalawang bansa.
Una ng inanusyo ni Trump na mula 10% na taripa ay tataas ito ng 25% ngayong linggo.
Nakatakdang dumating si Chinese Vice-Premier Liu He sa Washington sa Miyerkules kasama ang kanyang delagasyon na may 100 katao.
Layunin umano ng pagpupulong na ito na wakasan na ang trade war sa pagitan ng dalawang bansa.
Ngunit noong nakaraang taon lamang ay nagkaroon na ng kasunduan sina Trump at Chinese President Xi Jinping na hindi na muling itataas pa ang nasabing taripa.
Hinahangad din umano ni Trump angt tuluyang pagtigil ng Beijing sa pamimilit nito sa mga US companies na ibahagi ang kanilang teknolohiya sa China.