-- Advertisements --

Itinuturing na “relatively immune” ang Pilipinas kahit sumiklab ang trade war sa pagitan ng China at America.

Para kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Deputy Governor Francisco Dakila, Jr., walang gaanong impact sa bansa kung sakaling magkaroon ng slowdown sa ekonomiya ang China o kahit ang US.

Pero hindi rin naman magbebenipisyo ang Pilipinas sakaling umalis ang ilang kompaniya sa China para sa relokasyon dahil sa limitado ang competitive advantage ng Pilipinas.

Samantala, kung mayroon mang benepisyo ang bansa, ito ay pagdating sa services sector.

Gayunman mas nakaangat na ang Vietnam at madaling makahatak sa mga industriya, lalo na pagdating sa relocation rush, bagay na mahirap ilatag ng Pilipinas sa kasalukuyan.