-- Advertisements --
Nagsampa ng reklamo ang Department of Agriculture (DA) laban sa trading firm na Chastity Consumer Goods Trading dahil sa umano’y misdeclaration ng imported fresh yellow onions bilang processed food para makalusot sa mga regulasyon sa paga-angkat.
Ayon sa DA, inihain nito sa Olongapo City Prosecutor’s Office ang reklmanong paglabag sa Food Safety Act at Plant Quarantine Law of 1978 laban sa naturang kompaniya.
Pinangalanan ng ahensya si Lina Bang Talan, ang may-ari at presidente ng Chastity Consumer Goods Trading, bilang respondent sa kaso.
Nag-ugat ang kaso sa ikinasang inspeksyon sa Port of Subic, kung saan natuklasan ang libu-libong kahon ng mga dilaw na sibuyas na misdeclared bilang frozen fish egg balls.