-- Advertisements --

NAGA CITY – All set na ang mga security measures ng iba’t ibang law enforcement units kasabay ng tradisyunal na “Alay Lakad” sa Camarines Sur na magsisimula mamayang tanghali.

Ang Alay-lakad ang taunang ginagawa sa lalawigan kung saan tinatayang humigit kumulang sa 20 kilometro ang lalakarin ng mga tao simula sa lungsod ng Naga patungong Sta. Salud sa bayan ng Calabanga kung saan nakahimlay ang imahe ng amang Hunulid.

Ang Hinulid o sa salitang Filipino ay ihinimlay ay ang imahe ni Hesus na bagong bihis matapos alisin sa pagkakapako sa krus.

Maaga ring nagdeploy ang Philippine National Police (PNP), mga barangay tanod at iba pang force multipliers para sa crowd control.

Ilang kalsada naman sa naturang bayan ang pansamantalang nakasara para biglang daan ang naturang religious activity.

Samantala, maliban sa Calabanga-PNP, nakaalerto naman ang PNP sa lungsod ng Naga at sa mga bayan ng Canaman, Magarao at Bombon kung saan dadaan ang Alay Lakad.

Inaasahan namang libo-bilong mga indibidwal ang sasama sa naturang tradisyunal na “Alay Lakad.”