-- Advertisements --

Ibinalik na ng Simbahan ng Quiapo na tradisyunal na “pahalik” sa imahe ng poon na Itim na Nazareno.

Ipinahayag ito ng parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene na si Fr. Douglas Badong at sinabing maaaari nang muling mahawakan ng mga deboto ang imahe ng Itim na Nazareno na matatagpuan sa main altar ng Quiapo Church.

Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin na pinaalalahanan ng Padre ang lahat na manatili sa mahigpit na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum public health standard upang maiwasan pa rin ang banta ng COVID-19 lalo na ngayong mas maluwag na ang mga restrictions sa bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Fr. Badong na regular na sina-sanitize ang kanilang pasilidad lalo na ang poong Nazareno.

Magugunita na una nang itinigil muna ng simbahan ang tradisyunal na “pahalik” sa Itim na Nazareno noong March 2020 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa buong bansa.