-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Quezon City Police District ang matiwasay na pagtatapos ng tradisyunal na Simbang Gabi sa lungsod ng Quezon.

Sa naging pahayag ni QCPD Chief PCol Melecio Buslig Jr, sa kabuuan ay wala silang naitalang untoward incident sa nasa siyam na novena masses .

Ito ay idinaos mula December 16 hanggang December 24 o Christmas Eve.

Ayon kay QCPD Chief PCol Melecio Buslig Jr, resulta ito ng sapat na mga tauhan na idineploy sa mga simbahan lalo na sa iba pang mga matataong lugar.

Pinasalamatan din ng opisyal ang LGU ng QC dahil sa suporta nito sa pagpapadala ng force multipliers at iba pang tulong .