-- Advertisements --

Planong magtayo ng Department of Science and Technology ng tradisyunal ngunit modernong Ivatan House sa lalawigan ng Batanes.

Ito ay poponduhan ng ahensya sa ilalim ng kanilang Assessment, Development, and Preservation for Typhoon and Earthquake-Resilient Ivatan Houses project.

Ayon sa ahensya , nilalayon ng inisyatibong ito na maprotektahan ang architectural heritage ng mga Ivatan dahil na rin sa mga kalamidad na malimit dumaan o tumama sa naturang lalawigan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cagayan State University OIC President Arthur Ibañez, sa proyektong ito ay gagamit sila ng modernong pundasyon para sa nasabing bahay.

Gagamit rin sila ng bato sa pagbuo ng dingding at bubong nito para hindi masakripisyo ang cultural value ng Ivatan House.

Paliwanag naman ng DOST na magsisilbing itong monitoring station ng kanilang ahensya para sa mga bagyo at lindol .

Layon nito na matukoy kung gaaano katibay ang naturang istraktura na pagbabasehan naman sa mga susunod pang proyekto.

Halos lahat ng mga kabahayan sa Batanes ay gawa lamang sa bato at kahoy na nilalagyan ng apog o lime habang ang kanilang mga bubong ay gawa sa cogon grass.