CAGAYAN DE ORO CITY – Binisita ni Dra Beverly Ho, director ng Health Promotion and Communication ng Department of Health Central Office ang lungsod ng Cagayan de Oro, upang busisihin ang naging hakbang ng local na pamahalaan laban sa sakit na COVID-19.
Bilang isa sa malaking opsiyal ng kagawaran ng pangkalusugan, binigyang diin ni Ho ang role ng TRADITIONAL media,kagaya ng RADYO sa pagpapalaganap sa kanilang BIDA solusyon laban sa nakamamatay na virus.
Aniya, isa ang lungsod ng Cagayan de Oro na nakapagtala ng maraming local case transmission kung kaya’t kailangan ipakilos ng LGU ang kanilang kampaya gamit ang pinaka epektibong medium sa pagbibigay kaalaman sa publiko sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkakahawa sa bayrus.
Sinabi ni HO na nangunguna pa rin ang pagsuot ng facemask, pag-oobserba ng social distancing, pagsanitize ng kamay at tamang kaalaman bilang pinaka epektibong panangga laban sa virus.