-- Advertisements --

Balik na sa paglalaro sa Game 6 ang Atlanta Hawks superstar na si Trae Young matapos ang dalawang games na pagpapagaling sa natamong injury.

Kinumpirma ni coach Nate McMillan na game time decision ang anunsiyo dahil kahapon ay hindi pa ito pupuwede.

Malaking bagay ang pagbabalik ni Young sa Hawks upang mahabol ang abanse ng Bucks sa serye na 3-2.

Bago ito nagka-injury nag-a-average siya sa 29.8 points per game at 9.5 assists.