-- Advertisements --

Sumailalim muli ang traffic and law enforcement personnel ng Land Transportation Office sa isinagawang physical fitness training ng ahensya.

Nagsimula ang kanilang pagsasanay noong nakaraang Sabado, ika-4 ng Mayo at ipinagpatuloy muli ngayong ika-11 ng Mayo ng taong kasalukuyan na muling pinangasiwaan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II.

Habang pinangunahan din ni Joel Ybanez, Chief ng Enforcement Regulation Section, ang ikinasang pagsasanay.

Layunin ng naturang training na mapanatili ang kalusugan ng nasabing mga personnel at upang mapahusay din ang pagganap ng mga enforcer sa kanilang ibinabang tungkulin para sa kaligtasan at kaayusan sa kalsada.