-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakulong ang isang traffic enforcer matapos nahuli itong nagbenta ng iligal na droga sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Quimpo Boulevard, Purok 33, Barangay 76-A, lungsod ng Davao.

Base sa report, kinilala ang suspect na si Edwin Pabilan, 31 anyos at nakatira sa Barangay Los Amigos nitong lungsod .

Narekober din galing sa posisyon ng suspect ang dalawang pakete ng iligal na droga na tumitimbang ng 1.4 gramo at nagkakahalaga ng P22,000.

Naaresto dahil sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspect.