BAGUIO CITY – Arestado ang isang traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) na high value individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera sa Suello Village, Santo Tomas Proper, Baguio City kaninang umaga.
Nakilala itong si Ginno Manolo Castillo Banta, 30-anyos, binata, residente ng Bayan Park, Aurora Hill, Baguio City at high value target ng PDEA dahil sa koneksion nito sa illegal drug trade.
Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang pakete ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang bigat na 2.5 grams na nagkakahalaga ng higit kumulang P17,000.
Nakumpiska din ang isang sling bag na naglalaman ng mga drug paraphernalia, LTO ID at ang ginamit nitong cellphone sa pakikipagtransaksion sa operatiba ng PDEA-Cordillera.
Narekober naman ang ginamit na boodle money.
Sa ngayon, nahaharap na si Banta sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.