Naniniwala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na mababawasan ng 20 hanggang 30 percent ang traffic congestion sa EDSA sa 2nd quarter ng 2020.
Sinabi ni Public Works Sec. Mark Villar, ito ay dahil sa malapit nang matapos ang Balintawak-Makati Expressway at ilan pang bypass roads malapit sa EDSA.
Ayon kay Sec. Villar, sa ngayon ay nasa 80 percent nang tapos ang naturang proyekto at inaasahang mabubuksan sa Abril.
Kapag nagkataon aabot umano sa mahigit 100,000 sasakyan ang mawawala sa EDSA kada araw.
Target umano ng DPWH na ibaba sa 120,000 ang volume capacity ng EDSA kumpara sa kasalukuyang 400,000 volume na traffic.
Inihayag pa ni Sec. Villar na malapit na ring matapos ang NLEX at SLEX Connector na malaking tulong para magkaroon ng alternatibong kalsada ang mga truck na magmumula sa port area sa Maynila.