Naka-preposition na ang mga traffic personnel ng toll operators at ng Toll Regulatory Board (TRB) para asistihan ang mga motorista kasabay ng inaasahang mabigat na daloy ng trapiko ngayong weekend bago ang Kapaskuhan.
Ayon kasi kay TRB spokesperson Julius Corpuz, nitong gabi ng Biyernes hindi gaanong marami ang mga motorista at mga mananakay ang dahil marahil iniiwasan ng mga ito ang inaasahang trapiko bunsod ng long weekend.
Kung kaya ngayong araw ng Sabado ang araw na dadagsa sa mga expressway ang mga motorista na babiyahe palabas ng Metro Manila o magsisi uwian sa mga probinsiya.
Ito ay base na rin aniya sa mga naging karanasan sa nakalipas na mga taon kung saan inaasahang umabot hanggang gabi ang mabigat na daloy ng trapiko.
Samantala, makakaulong naman ng malaki ayon sa TRB official ang mataas na adoption rate ng RFID para maibsan ang congestion sa mga toll plaza kung saan tumaas ang ratio ng mga gumagamit ng RFID sa 80% hanggang 85%.