-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inihahanda na ng City Police Office (BCPO) ang mga hakbang at paraan na kanilang isasagawa para mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa nanalapit na pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Hunyo 3.

Inihayag ni Police Maj. Oliver Panabang, pinuno ng Trafic Enforcement Unit ng BCPO na gagamit ang pulisya ng short term solution na kadalasang kanilang isinasagawa kapag pasukan sa mga paaralan.

Aniya, magpapakalat ito ng mga pulis na magmamando sa daloy ng trapiko sa iba’t-ibang kalsada lalo na yaong mga malalapit sa mga paaralan.

Kaugnay nito ay umaapela si Panabang para sa pagkikipagtulungan ng publiko para sa mas maayos na daloy ng trapiko.

Iginiit pa nito na kailangang sumusod sa mga batas-trapiko ang mga motorista para maiwasan ang anumang insidente sa kalsada.