-- Advertisements --
EDSA Traffic at Night

Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na 50 percent ang mababawas sa volume ng taffick sa Metro Manila ngayong Holy Week.

Sa isang news forum, sinabi ni MMDA Edsa Traffic Head Bong Nebrija na bukod sa marami ang umuwi sa kanikanilang probinsya sa ngayon, marami din ang umalis para magbakasyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Samantala, sinabi ng opisyal na maglalagay sila ng “road emergency stations” sa Quiapo at Ortigas para magbigay ng assistance sa mga motoristang mabi-Visita Iglesia.

Dagdag pa nito, nagsimula na rin daw ang kanilang clean up sa backdoors ng iba’t ibang terminal sa Metro Manila bago pa man ang Holy Week.