Hindi bababa sa 34 ang nasugatan at isa ang patay sa banggaan ng isang truck at isang tren na may mga pasaherong higit sa 500 sa Yokohama, Japan.
Ayon sa mga sakay ng tren, nakapagpreno umano ang driver nang makitang may biglang tumawid na truck ngunit hindi ito kaagad huminto at tuluyang bumangga ito sa truck na may lamang mga prutas.
Naging sanhi din ito ng isang malaking sunog sa lungsod.
Patay ang 60-anyos na driver ng truck habang isinugod naman sa ospital ang isang babae na malubhang nasugatan sa insidente.
Sa pahayag ng transport ministry ng Japan, inaalam pa umano nila ang pinakadahilan ng salpukan at di pa kumpirmado kung kailan muli itutuloy ang operasyon ng nasabing tren.
Ayon sa tala, halos 19,000 na mga pasahero ang gumagamit ng tren bilang tranportasyon sa Japan.