-- Advertisements --

Nalagpasan ng net revenue ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ang target ng gobyerno na 8.1 percent noong 2018.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ayon sa kanilang strategy, economics and results group (SERG) pumalo ang net revenue ng TRAIN Law noong nakaraang taon sa P68.4 billion.

Mas mataas ito kung ikumpara anila sa P63.3-billion target ng pamahalaan.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick T. Chua, ang head ng SERG, ang pinakamalaking kita ay nagmula sa tobacco excise, auto excise, at documentary stamp tax collections.

Ang personal income tax collections ay mas mataas din aniya sa inaasahan dahil sa pinabuting compliance at pagtaas ng bilang ng mga registered taxpayers.