-- Advertisements --

Inaalam pa ng mga otoridad sa Aberdeenshire, northeast Scotland kung ilang ang bilang ng mga nasawi sa naganap na pagkadiskaril ng train.

Ayon sa British Transport Police, nangyari ang aksidente dahil sa patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa insidente.

Sinabi naman ni Scotland’s First Minister Nicola Sturgeon na nagtala ng matinding pagkakasugat ng mga pasahero.

Naglabas naman ng video sa kanilang social media ang Network Rail Scotland, kung saan dumulas ang nasabing train sa riles dahil sa matinding pag-ulan.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, mayroong 12 sakay na katao ang train, 6 dito ang pasahero at 6 ang crew at mayroon anim na bagon ito ng maaksidente.

Nasa lugar na ang mga rescue team habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad.