Hindi umano nasisindak si WBO world champion Zolani Tete (28-3, 21 KOs) sa kanyang nakatakdang pakikipagtuos laban sa WBC Diamond and WBA world champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire (39-5, 25 KOs) sa darating na Linggo na gaganapin sa Lafayette, Los Angeles sa Amerika.
Ipinagmalaki ng kampeon mula sa South Africa ang dinaanan niyang matinding preparasyon lalo na ang training sa ilalim ng ama ng undefeated five-division world champion Floyd Mayweather Jr. na si Floyd Sr.
Tinawag pa ni Zolani si Mayweather Sr. bilang kanyang “X-factor” upang mas lalong umangat sa ibang level ang kanyang preparasyon laban sa 36-anyos at beteranong Pinoy champion.
Maghaharap ang dalawa sa timbang na 118 pounds sa bantamweight division para sa World Boxing Super Series (WBSS) semi-final.
Ayon sa 31-anyos na si Zolani, alam niyang may edad na si Donaire pero delikado pa rin itong kalaban.
Gayunman ang kanyang kabataan daw, lakas at kakaibang training kay Floyd Sr. ang magdadala sa kanya tungo sa panibagong panalo.
“I respect Nonito, but I have a lot of faith in my own boxing ability and I will come out victorious when we fight,†pagmamalaki pa ng 5’9″ na si Tete. “Mayweather Sr. has been the x-factor which has psychologically uplift us to another level, he’s the last piece of the puzzle we needed for this fight.â€
Para naman kay Donaire, excited na rin siya sa kanilang face off ni Tete.
Hindi raw niya sasayangin ang pagkakataon matapos na magwagi siya sa quarter-final noong November 3 sa Glasgow, Scotland kontra sa No.1 seed mula sa Northern Ireland na si Ryan Burnett.
“Tete is a formidable opponent and we have been preparing since the last fight. I’m even more excited with it being in the U.S. and won’t waste the opportunity to show the crowd what we’ve been working on,†ani four-division world champion Donaire. “He is tall, he is fast, he is slick, but I am a fighter that can fight any kind of style.”