-- Advertisements --
Pansamantala munang ikinandado ng Milwaukee Bucks ang kanilang practice facility matapos matanggap ang resulta ng coronavirus tests na isinagawa noong Sabado (oras sa Pilipinas).
Ayon sa mga opisyal ng Bucks, wala pa silang balak na muling buksan ang pasilidad bago sila tumula pa-Florida para paghandaan ang pagbabalik ng NBA season sa Walt Disney World.
Hindi naman malinaw sa kasalukuyan kung ilan ang bilang ng mga nag-test positive sa deadly virus sa Milwaukee.
Maliban sa Bucks, nagsara rin ng kanilang facilities para sa workouts nitong mga nakalipas na linggo ang Denver Nuggets, Miami Heat, LA Clippers at Brooklyn Nets.