-- Advertisements --

Maantala ang gagawing ensayo ng mga atleta na sasabak sa Southeast Asian Games (SEA Games) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino na hindi sila maaring magsimula ng training dahil pinagbabawalan pa rin sila ng gobyerno.

Ginagamit pa rin bilang quarantine facility ang ilang mga piling training centers ng mga atleta gaya sa Philsport Arena sa Pasig City at Rizal Memorial Complex sa Manila.

Magugunitang tiniyak ng bansa ng kahandaan sa pagsali sa SEA Games na magsisimula sa Nobyembre 21 – December 2 sa Hanoi, Vietnam.

Ang Pilipinas ang defending champion nang mag-host sa biennial meet noong 2019.