-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi umano makakaapekto sa nagpatuloy na training ni Sen. Manny Pacquiao ang isyu tungkol sa breach of contract.

Ito ang pahayag ni Pacquiao matapos lumabas ang balita na may sinuway itong kontrata sa OD Promotions.

Sigurado umano ito na walang nangyaring breach sa kontrata dahil alam ito ng Team Garcia.

Bago umano ito pumirma ng kontrata inilagay umano sa unang linya ang mga salita na “All contract is valid ” kaya hindi umano makahabla ang Team Garcia sa kanya.

Dagdag pa nito na sinagot na umano ito ng kanyang legal team kaya dapat walang ikabahala.

Minaliit din nito ang nasabing isyu matapos sinabi na tutukan din ang usapin dahil hindi ito susuko.