-- Advertisements --
Pacquiao marathon Quidilla
Pacquiao at Griffith Park (photo from Mike Quidilla)

Ipinagmalaki ng isa pang miyembro ng Team Pacquiao ang kondisyon ngayon ni WBA (Regular) welterweight world champion Manny Pacquiao kaugnay sa July 21 fight kontra sa American undefeated boxer Keith Thurman.

Sa interview ng Bombo international correspondent Ponciano “John” Melo, mula sa Los Angeles kay Mandirigma Angeles, isa sa mga jogging partners ni Pacman, inamin nito na noong nasa training camp sila sa paghahanda sa laban kay Adrien Broner ay “medyo relax.”

Pero sa ngayon umano ay may ilang pagkakaiba na sa ilang ginagawa ni Manny lalo na sa takbuhan.

Bunsod nito, makikita raw na mas matindi ang kondisyon ngayon ng fighting senator kumpara sa naging huling laban kontra kay Broner.

“Yong Broner medyo relax. Ngayon iba mas malakas siya ngayon. Siguro determinado sya. Ako nga hirap na hirap ngayon sa takbuhan, ang pace niya mabilis. Tapos ang tinatakbo naming ruta ay iba ngayon, ‘yong dating ruta na ginagwa gawa namin na isang beses, ngayon ginagawa na namin ng limang beses, 6 miles ‘yon pataas. So, iba talaga ang kondisyon niya ngayon. Sobra, sobrang hirap ang tinatakbo namin ngayon,” ani Angeles sa Bombo Radyo.

Precilyn Silvestre Melo Pacquiao 3
Photo for Bombo Radyo from Precilyn Silvestre Melo in LA