-- Advertisements --

training3

Sinibak sa pwesto ni PNP Chief General Debold Sinas, ang lahat ng mga training officers na naka assign sa regional Training Center-7 sa Central Visayas at ipinag-utos ang isang full-scale investigation kaugnay sa isyung irregularities kabilang ang overpriced at hindi otorisadong deductions mula sa sahod at allowances ng mga police recruits at iba pang mga PNP personnel na sumasailalim sa training.

Inatasan ni Sina si Maj. Gen. Alex Sintin ang Director ng National Police Training Institute (NPTI) na sampahan ng administrative case ang lahat ng mga personnel ng regional training center sa Central Visayas.


Nabunyag ang nasabing katiwalian at korupsiyon batay sa reports ng PNP Intelligence Group Acting Director, Police Colonel Warren De Leon, na siyang nag-imbestiga highly irregular activities ng RTS-7 sa pamumuno ni Police Colonel Edwelito Rosales, ang Regional Training Director.


Ang report ng PNP IG ay validated mismo ng Class “Spartan” at Class “Madasig” recruits na kasalukuyang sumasailalim sa Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) sa training school.

Nagawang idocument din ng IG ang mga alegasyon ng mga recruits lalo na nuong Christmas break kung saan nasa P10,080 katumbas ng dalawang buwang meal allowance ang diniduct sa mga police recruits sa kabila ng sila ay naka bakasyon at nasa P3,650 Covid-19 antigen test ang sinisingil sa mga ito.

Ayon sa pahayag ng mga recruits, batay sa instruction ni Rosales, pwersahang silang pinababayad ng overpriced na uniforms, pagkain na dini-deduct sa kanilang buwanang sahod.


Inatasan din ni Sinas si Sintin na magbigay ng impormasyon sa CIDG para sampahan ng criminal cases ang lahat ng RTC-7 personnel na sangkot sa nasabing anomalya.