CENTRAL MINDANAO-Sa ikalimang araw ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival 2022, nagsagawa ng Market Matching for Coffee and Cacao at Training on Cacao Harvest, Postharvest, Fermentation, Drying and Storage ang Department of Trade and Industry (DTI)- Cotabato Province katuwang ang Cotabato Province Investment and Promotions Center (CPIPC).
Ang aktibidad ay bahagi ng Rural Agro-Industrial Partnership for Inclusive Development and Growth (RAPID Growth) Project ng DTI na naglalayong mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga coffee and cacao farmers sa pagtiyak ng kalidad ng kanilang produkto upang maibenta ito sa magandang presyo.
Ibinahagi rin ng mga market partners ng RAPID Growth Project tulad ng Kennemer Foods International Inc., Curve Coffee Collaborators (Equilibrium) at Tribung Kape (Coffee Ventures) ang buying protocols ng kanilang kompanya na makakatulong upang mapataas ang kita at ani ng cacao at coffee farmers sa probinsya.
Isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa mga magsasaka ng kape at cacao na isa sa mga pangunahing produktong pang-agrikultura ng lalawigan.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Provincial Capitol Pavilion, Amas, Kidapawan City na nilahukan ng mga coffee at cacao farmers mula sa iba’t ibang bayan sa probinsya.