ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong pahinante ng trak na may karga na mais matapos bumaliktad sa Sitio Silab, Barangay Batabat, Maayon, Capiz.
Kinilala ang sugatan na sina Jason Dinosca, 29-anyos, Joshua Anoche, 24-anyos at Romel Vinosa, 21-anyos na nagtamo ng mga sugat sa katawan.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Police Major Syril Punzalan, hepe ng Maayon PNP, sinabi nito na lumalabas sa imbestigasyon, papunta sa bayan ng Maayon ang elf trak na minamaeho ni Jobert Villarena 50-anyos ng Ba-rangay Ilaya, Maayon, Capiz ng biglang mawalan ng control.
Dahil sa pangyayari ay bumaliktad ang trak at nahulog ang tatlong pahi-nante gayundin ang kargang mga mais.
Kaagad naman nagresponde sa pinangyarihan ng insedente ang Maayon Emergency Response Team at Maayon BFP at binigyan ng paunang lunas ang mga pahinante bago dalhin sa Bailan District Hospital.