-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Nagpapatuloy ang transaksyon ng gulay sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) sa La Trinidad, Benguet.
Ayon sa BAPTC, bukas pa rin ang pasilidad para sa vegetable trading operations para mapanatili ang suplay ng mga gulay kasabay nang umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.
Sa ngayon ay pinapayagan pa ring maibiyahe ang mga highland vegetables patungong Metro Manila ngunit may limitasyon ang mga ito dahil sa community quarantine.
Kasabay nito mahigpit na ipinapatupad ng BAPTC ang mga alituntunin tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask sa loob ng pasilidad.
Itinuturing ang BAPTC bilang pinakamalaking agriculture trading center sa buong bansa.