BAGUIO CITY-Lumalago na ang transaksyon ng gulay sa Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) na matatagpuan sa La Trinidad, Benguet.
Ang BAPTC ang pinakamalaking vegetable trading center sa Pilipinas.
Ipinagmalaki ni Dr. Violeta Salda, Chief Operating Officer ng BAPTC na 25 hanggang 30 porsiyento ng gulay na nagmumula sa Benguet at Mountain Province ang dinadala sa BAPTC.
Aniya, aabot na sa mahigit 260 na asasosyon at kooperatiba ang bumubuo sa mahigit 30,000 na magsasaka at traders na gumagamit sa BAPTC.
Idinagdag ni Salda na karamihan sa mga magsasakang nagbebenta ng kanilang mga ani sa BAPTC ay nagmumula sa mga bayan ng Mankayan, Buguias at Kibungan sa Benguet.
Tiniyak pa nito na mas lalong mapapaganda ang packaging at marketing mga gulay sa BAPTC.