-- Advertisements --

Ipinagbawal ng White House ang kahit anong access sa lahat ng transcript calls ni US President Donald Trump na umano’y naglalaman ng mga sensitibong usapan kasama si Russian President Vladimir Putin.

Ito ay upamg maiwasan umano ang pagkalat ng impormasyon. Inilagay ang mga nasabing dokumento sa isang ultra-secure computer system na mayroong high security access.

“The Saudi calls placed in the restricted system were with King Salman, Crown Prince Mohammed bin Salman [MBS] and Prince Khalid bin Salman, who at the time was the Saudi ambassador to the United States,” saad sa isang report.

Sinuportahan naman ito ng ilang mga opisyal dahil na rin sa dumaraming insidente nang leakage mula sa White House.