-- Advertisements --
Epektibo na ang ipinapatupad na transgender ban sa mga pumapasok sa military sa Estado Unidos.
Ayon sa US Department of Defense, nais lamang nilang ipanatili ang magandang imahe ng US military.
Mahalaga aniya na magkaroon ng mataas na standard ang US military para makamit ang epektibong kahandaan at paglaban sa anumang giyera.
Nilinaw naman ng Pentagon na ang nasabing paghihigpit ay hindi ipapatupad sa lahat subalit marami silang hindi tatanggapin sa mga taong magpapa-enlist.
Una nang umani ng batikos lalo na sa grupo ng LGBT ang nasabing hakbang mula nang ianunsiyo ni US President Donald Trump ang naturang patakaran noong taong 2017.