-- Advertisements --

Natapos na ang kampanya sa Tokyo Olympics ng kauna-unahang transgender weightlifter ng New Zealand na si Laurel Hubbard.

Nabigo kasi ito sa lahat ng tatlong lift attempts sa snatch section ng +87 kg. category.

Dahil dito ay hindi na nakapasok sa medal round ang 43-anyos na New Zealander.

Maguguntiang umani ng batikos si Hubbard dahil hindi dapat ito sumali sa pangbabae na category.

Paliwanag ng International Olympic Committee na naabot ni Hubbard ang panuntunan na pagbawas ng testosterone level para para makapasok sa transgender athletes.