-- Advertisements --
Gretchen Custodio
Gretchen Diez/ FB image

Inireklamo ng isang transgender woman ang mga guwardiya ng Farmers Plaza Mall sa Cubao, Quezon City matapos na ito ay arestuhin.

Ayon sa nagrereklamong si Gretchen Custodio Diez, papasok sana ito sa comfort room ng pambabae subalit pinigilan ito ng janitress na nakatalaga sa lugar.

https://www.facebook.com/gretchencustodiodiez/videos/vb.100013768025631/676988402770088/?type=2&video_source=user_video_tab

Dito ay napilitang mag-video si Diez at doon na lamang siya dinala ng mga guardiya sa kanilang opisina.

Ikinagalit ng mga guwardiya ang ginagawang pag-video ni Diez ng wala man lang paalam.

Matapos ang mahigit tatlong oras sa opisina ng mall ay dinala na ito sa Police Station.

Matapos ang ginawang komprontasyon ay nagkaayos naman ng dalawang panig kung saan hindi na interesado ang mga guwardiya na maghain pa ng reklamo.

Lumusob naman sa police station si Bataan Congresswoman Geraldine Roman na isa ring transgender woman at kinondina ang pangyayari.

Nagpaabot naman ng tulong si Senator Risa Hontiveros kay Diez kung saan pinag-aaralan nila ang kasong isasampa sa mall owner at mga empleyado nito.