-- Advertisements --
Maaari umanong magkaroon na ng transisyon sa weak La Niña ang klima ng bansa pagsapit ng Agosto hanggang Oktubre.
Ayon sa state weather bureau, mahirap pang matukoy sa ngayon kung saan o kailan ang eksaktong pagsisimula ng La Niña.
Hindi rin aniya maaari pang ideklara ang pagsisimula nito sa kabila ng kabilaang mga malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan, sinabi ng ahenisya na nasa El Niño-Southern Oscillation neutral phase ang bansa. Ibig sabihin nito, hindi naapektuhan ang Pilipinas ng El Niño o La Niña.
Nagbabala rin ang ahensiya na maaaring magtutuluy-tuloy ang mga malalakas na pag-ulan sa mga susunod pang buwan kung saan sa huling bahagi ng 2024 ay maaaring maranasan ang mas mataas na volume ng tubig-ulan.