-- Advertisements --
Wala pang desisyon ang kampo ni US president-elect Joe Biden kung kanila bang ipapamahagi ang mga transcript ng presidential calls sa iba’t-ibang lider ng bansa.
Nakatakda kasing mabigyan ng access ang transition team ni Biden ng access sa secret server na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon.
Ipapaubaya aniya ng transition team kay Biden ang desisyon kapag pormal na itong maupo bilang pangulo ng US sa Enero 20.
Noong panahon kasi ni US President Donald Trump ay nilimitahan ang mga tao na makikinig at nakakaalam sa nasabig nilalaman ng secret server.
Magugunitang pumayag na ang kampo ni Trump na magkaroon ng transition.