-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines na nananatiling normal ang operasyon ng kanilang mga transmission lines.
Ito ay sa kabila ng mga malalakas na hangin at ulang dala ng bagyong Enteng at nang umiiral na hanging habagat.
Ayon sa ahensya, wala pa silang natatanggap na anumang ulat hinggil sa kanilang mga pasilidad na nasira dahil sa sama ng panahon.
Sa kabila nito ay tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines na nananatili silang nakabantay at naka alerto sa anumang posibleng mangyari.
Nakalatag na rin ang mga precautionary measures bilang preparasyon sa mga kalamidad na tatama sa bansa partikular sa kanilang mga transmission facilities.