Nananawagan ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw.
Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term solution para sa maresolba ang araw-araw na problema ng mga mangagawa na nagcocomute lamang lalo na sa Metro Manila at iba pang urban areas.
Aniya, ito ang unang malaking hamon sa bagong administrasyon dahil maraming mga Pilipino ang nahihirapan bunsod ng nakakapanlumong sitwasyon ng transportasyon sa bansa.
Nagre-reflect aniya ito sa lumabas na survey mula sa 2022 Gallup Report on the State of Global Workplace na nagpapakita na ang mga manggagawa sa Pilipinas ang most stressed sa Southeast Asia.
Ipinunto ng grupo na ang contractualization, mababang sahod, mabagal na pandemic recovery, at transport crisis ang dahilan para sa physical at exhaustion ng mga manggagawang Pilipino.
Mas pinalala pa ito ng ilang serye ng big-time oil price hikes na nagbunsod sa ilang drivers at operators na tumigil na sa pamamasada at nagresulta ng kakapusan ng public utility vehicles.
Kung kayat ang rekomendasyon ng transport advocacy group ay ang pagpapahintulot sa mas maraming PUVs na mag-operate na, paglilinaw sa guidelines sa carpooling at company shuttles, pag-maximize ng Pasig river at iba pang waterways para sa tranSportasyon at pagbubukas ng bagong mga ruta at franchises para sa underserviced areas.