Nanawagan ang transport advocacy group na The Passenger Forum (TPF) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na dapat madagdagan ang mga pampasaherong sasakyan o maglaan ng mass transport bago ibalik ang “number coding” schemes sa Metro Manila.
Sinabi ni TPF convenor Primo Morillo na marami pa ring mga manggagawa ang hindi nakakarating sa tamang oras sa kanilang trabaho.
Pinuri din nito ang gobyerno dahil sa paglalagay ng hiwalay na lane para sa mga buses at mga bisikleta.
Dagdag pa nito na masyadong premature para muling ibalik ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa Metro Manila.
Umaasa sila na bago pa maibalik ang number coding ay magkaroon na ng sapat na masakyan ang mga mananakay sa Metro Manila.
Sakaling maipatupad agad ang number coding ay magbabalik muli ang mahabang pila ng pasahero ng MRT, LRT, PNR at sa EDSA bus Carousel.
Magugunitang sinuspendi ng MMDA ang number coding schee noong 2020 dahil sa limitadong operasyon ng transportasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.