KALIBO, Aklan – Suportado ng Caticlan Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative (CBTMPC) ang isinusulong na Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program ng pamahalaan.
Ayon kay CBTMPC chairman Godofredo Sadiasa na malaking ginhawa ang maibibigay nito sa mga pasahero.
Nasa 25 bangkang fiber glass ang kanilang ipapagawa bago mapaso ang kanilang prangkisa sa 2021.
Sa kasalukuyan, mayroong 58 bangka na gawa sa kahoy at 11 fiber glass boats ang kooperatiba na bumibiyahe ng 24/7 na may rotang Caticlan-Boracay o Tabon-Boracay.
Aminado si Sadiasa na magkakaroon ng epekto sa kabuhayan at kita ng kanilang mga miyembro at bangkero ang modernization plan dahil sa pag phase out ng kanilang mga kahoy na bangka.
Sa kabila nito, umaasa aniya sila na tutulungan ng mga banko ng pamahalaan para sa makasimulang muli.
Una rito, umapela ang kooperatiba at Sangguniang Panlalawigan ng Aklan sa Maritime Industry Authority (MARINA) na huwag biglain ang phase out at gawing limang dag-on simula ngayong 2019 hanggang 2023.