ILOILO CITY – Inaasahang mas dadami pa ang mga jeep sa Iloilo na gagamit ng cashless payment system na bahagi ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng national government.
Ito ay kasunod ng launching at turnover ng Panay Card sa Metro Iloilo Transport Service Cooperative na siyang pinaka-una sa buong bansa.
Ang Panay Card ay isang Automatic Fare Collection System na powered sa Sunmi kasama ang Nfinite IT Solutions Services Inc. na titiyak ng efficient experience para sa riding public.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jose Marie De los Reyes, chairman ng nasabing transport cooperative, sinabi nitong may ilalagay na accredited e-load stations sa lungsod upang maka-reload ang commuters ng kanilang cards gamit ang digital wallets at banking applications.
Napag-alamang may higit 200 units ng modern jeepneys sa ilalim ng naturang kooperatiba na nag-ooperate sa Iloilo City at sa karatig na mga bayan.
Hinihikayat rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 6 ang iba pang transport cooperative sa lungsod at lalawigan ng Iloilo na mag-adopt ng Automatic Fare Collection System.