Mas pinaiigting ngayon ang paglaban sa katiwalian sa gobyerno sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Anti-Red Tape Authority at 8888 Presidential Complaint Center.
Layun nito na mapaganda pa ang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno sa taong bayan.
Ito ay kasunod ng paglagda sa kasunduan noong Pebrero 22, 2023 na naglalayong maging interconnected ang lahat ng ahensya ng gobyerno.
Sa ngayon ay sinisimulan na ng dalawang ahensya ang ugnayan.
Dagdag pa ni Anti-Red Tape Authority Secretary Perez, ang dalawang ahensya ang magiging daan upang magkaroon ng tamang proseso sa mga reklamo pagdating sa isang opisyal, empleyado, o ahensya ng gobyerno.
Samantala, bukas naman raw ang kanilang tanggapan kung sakaling may mga kasong nakaligtaan o hindi nabigyan ng tamang aksyon.