-- Advertisements --

Ikinatuwa ng mga transport group ang planong pagtatayo ng Government Service Insurance System (GSIS) ng isang giant transport hub sa Quezon city.

Ang nasabing terminal ay may laking tatlong hektarya na siyang kahalintulad ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) .

Matatagpuan aniya ito sa Elliptical Road and Commonwealth Avenue at ito ay malaking tulong sa mga pasahero.

Ilang mga transport group ang positibo na magigign matagumpay ang nasabing bagong transport hub na magpapaibsan din ng trapiko sa Metro Manila.