Kinalampag ng grupo ng trasportasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maglabas ng desisyon sa kanilang petisyon na itaas ang pasahe sa P15 para sa mga tradisyunal na dyip.
Ito ay kasunod ng kamakailan na namang big-time price hike sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) president Boy Vargas, sinabihan sila ng LTFRB na ang kanilang petisyon ay subject na para sa resolution subalit hindi pa naglalabas ng desisyon.
Sa kasalukuyan, ang minimum fare para sa traditional jeepneys ay nasa P13.
Una ng sinabi ng LTFRB na nag-aantay pa ito ng tugon mula sa DOTr kaugnay sa P1.6 billion na pondo para sa ipapamahaging subsidiya para sa sektor ng pampublikong transportasyon sa gitna ng pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.