Muling inihirt ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na suspendihin ang full implementation ng public utility vehicle (PUV) Modernization Program sa Abril.
Ayon kay Mody Floranda, national president ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide, malaking bahagi pa rin ng mga jeepney operator ang ayaw pumaloob sa PUVMP dahil sa mataas na gastusin para magpalit ng mga sasakyan at sa posibilidad na mawalan ng kabuhayan ‘pag pumasok sa franchise consolidation.
Giit nito, hindi naman sila tutol sa modernisasyon ng tradisyonal na jeepney, ngunit mahalaga aniyang magkaroon ng patas at naayong transition para sa transport workers at lahat ng apektadong sektor.
Hiling nito na rebyuhin muli ang buong programa ng modernization at tiyaking masusing nakokonsulta ang mga tsuper at maliliit na operator ng PUV.
Ngayong araw, itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang huling deliberasyon sa usapin ng PUV modernization kung saan tatalakayin ang kahihinatnan ng mga jeepney na mapapaso ang prangkisa sa Abril.