Hindi agad pinaburan ng Korte Suprema ang petisyon ng transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na humiling na suspendihin ng korte ang jeepney consolidation program ng pamahalaan.
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang DOTr at LTFRB hinggil sa petition for certiorari and Prohibition with Urgent Application for a Temporary Restraining Order and /or writ of Preliminary Injunction na inihain laban sa kanila ng ilang PUJ operators at transport group na PISTON.
Binibigyan lamang ang mga respondents ng sampung araw para makapabigay ng komento sa naturang petisyon.
Bukod dito ay ipinag utos rin ng SC na personal na magtungo sa Korte ang mga respondents at personal na maghatid ng kanilang komento sa mga petitioners.
Kung maaalala, noong December 19 ng kasalukuyang taon ay nagtungo ang ilang transport group sa pangunguna ng PISTON at ilang petitioner sa SC upang hilingin sa korte na ideklarang null at void ang ilang probisyon na nakasaad sa Jeepney modernization program ng pamahalaan.