ROXAS CITY – Aminado ang Pinagkaisang Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) Capiz, na hindi nila kakayanin ang isang linggong tigil-pasada na gagawin ng grupong manubela, sa darating na Marso 6 hanggang 12, nitong taon.
Ito ang sinabi ni Mr. Jobert Carandang, presidente ng PISTON-Capiz, ng makapanayam ng Bombo Radyo.
Aniya, kung sasama sila sa transport strike, hanggang dalawang araw lang ang kanilang magagawa dahil malaking kawalan ito sa pamumuhay ng mga tsuper at operator sa lalawigan.
Sinabi din nito na hindi sila tutol sa Public Utility Vehicle (PUV) Modernization program ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kundi sa patakaran ng nasabing programa.
Inihayag din ng Presidente ng nasabing transport group, na sa halip na bibili sila ng modernized jeepneys na nagkakahalaga ng P2.4 million bawat isa, mas mainam aniya nga ibibili nalang nila ito ng harvester sa pagsasaka.