-- Advertisements --

Inihain ng isang transport group Land Transportation and Franchising Authority ang isang petisyon para sa pagtataas ng minimum na pamasahe sa jeep.

Layunin ng grupong League of Transport Operators of the Philippines (LTOP) na tulungan ang mga tsuper na lubhang naaapektuhan ngayon ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo hindi lamang sa Metro Manila kundi pati na rin sa buong Pilipinas.

Kakarampot nalang kasi anila ang perang kinikita ng mga tsuper nang dahil sa naturang pagtaas ng presyo sa petrolyo.

Sa ngayon ay wala pa rin nagiging tugon ang LTFRB ukol sa petisyon na ito ng grupo.