-- Advertisements --

Nais marinig ng grupong MANIBELA sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagtitiyak na hindi mawawalan ng pangkabuhayan ang mga driver ng mga pampasaherong sasakyan.

Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuena, na nais nilang marinig sa pangulo ang pagbibigay halaga sa kapakanan ng mga drivers.

Isa sa mga tinukoy ni Valbuena ay hindi dapat pabayaan ng gobyerno ang mga drivers na hindi sumama sa PUV modernization program ng gobyerno.

Magugunitang makailang ulit na nagkaroon ng tigil pasada ang nasabing grupo para ipanawagan ang hindi pag-phaseout ng mga traditional jeepney.