-- Advertisements --

Itutuloy ng transport group ang kanilang petisyon para sa taas singil ng pamasahe na P14 sa Mtero Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.

Ayon sa Presidente ng jeepney operators at drivers group na Pasang Masda na si Obet Martin, nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa buwan ng Mayo at dito tatalakayin ang kanilang petsiyon.

Kinumpirma din ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board Executive Director Tina Cassion na isasagawa ang naturang petisyon sa susunod na buwan.

Sa kasalukuyan nasa P9 ang minimum fare sa jeepney.

Nauna ng sinabi ng Transport groups na hindi na sila hihirit ng pagtataas sa singil sa pamasahe kung dodoblehin ng pamahalaan ang ibibigay na fuel subsidy at pagpapalawig ng service contracting program.

Bagamat ayon sa transport groups bagamat naiintindihan anila ang pagtigil ng pamamahagi ng subsidiya dahil sa disbursement ban ng Comelec kaugnay sa nalalapit na halalan ay marami pa rin aniyang mga siyudad ang nangangailangan ng fare hike dahil nananatili pa rin aniyang pabago-bago ang presyo ng mga produktong petrolyo, Top